Cebu – Patay ang dalawang tao habang tatlo ang nawawala matapos na tumaob ang sinasakyan nilang bangkang de motor sa karagatan ng Cebu.
Sa ulat, karamihan sa mga sakay ng bangkay ay makikipiyesta lang sana sa Camotes Island.
Ayon sa Philippine Coast Guard, galing sa munisipalidad ng Carmen ang bangka nang hampasin ng alon na dala ng hanging amihan.
Sinabi pa ng Coast Guard, nag-abiso sila na delikadong pumalaot pero hindi raw sumunod ang kapitan ng tumaob na bangka.
Patuloy na pinaghahanap ang tatlo kung saan umabot naman sa 29 na pasahero ang nailigtas.
Facebook Comments