Manila, Philippines – Patung-patong na kaso ang posibleng kaharapin nang inarestong NDF consultant na si Rafael Baylosis.
Ito ay matapos na tumanggi ni Baylosis na sumailalim sa medical examination at booking procedure o pagkuha ng mugshot at fingerprint na regular na proseso ng Criminal Investigation and Detection Group sa mga naaaresto.
Ayon kay CIDG NCR Chief Senior Supt. Wilson Asueta – kakasuhan nila ng disobedience to lawful order si Baylosis bukod pa sa mga naunang illegal possession of firearms and explosives.
Samantala, walang inirekomendang piyansa si inquest prosecutor Nilo Peniaflor kay Baylosis at kasama nitong naaresto na si Roque Guillermo sa kasong illegal possession of explosives kahit 120,000 pesos ang piyansa para sa nasabing kaso.