Manila, Philippines – Nilinaw ng NBI na hindi nila itinuturing na mga suspek ang tauhan at general manager ng Our Lady of mt. Carmel E- Human Resources Inc., na nagpadala sa Kuwait kay Joanna Demafelis.
Nauna nang lumutang sa kanilang tanggapan matapos nilang i-subpoena.
Ayon kay NBI-NCR Director Cesar Bacani–nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon hinggil sa kung paanong nakapunta ng Kuwait si Joanna Demafelis at kung ano ang naging partisipasyon nina Marissa Mohammad na sinasabing.
Nag-proseso ng papeles ni Joanna at ang General Manager ng recruitment agency na si Mary Gay Abrantes.
Una nang iginiit ni Mohammad na hindi na niya matandaan si Joanna na nag-apply sa kanila, sa dami ng mga hinawakan nilang aplikante.
Sa paunang imbestigasyon–sinabi ni dir. Bacani na lumalabas na valid pa ang lisensya ng Mt. Carmel nang mapaalis nito si Joanna,at ipinasa sa local recruiter sa Kuwait na siyang naghanap ng employer nito doon.
Bago pa matapos ang dalawang taong kontrata ni joanna sa kuwait ay saka naman nagsara ang Mt. Carmel.
Sinabi ni director bacani na pinauwi nila at hindi maaaring ikulong sina mohhamad at abrantes dahil wala namang kaso laban sa kanila.
Gayunman, ipatatawag muli sila ng nbi sakaling kailanganin.
Samantala, sinabi ni Atty. Jude Marfil, abogado ng pangulo at may ari ng Our Lady of Mt. Carmel na bukas sila sa imbestigasyon ng NBI.
Gayunman, kung pagbabatayan aniya ang rules, kapag ang isang ahensya ay tinanggalan ng lisensya ay dapat ng inaako ng poea at ng owwa ang responsibilidad sa pagmonitor sa mga naiwang OFW ng kanilang recruitment agency.