HINDI SUSUKO | Michael Martinez, desidisong makabawi sa Olympics 2019

Manila, Philippines – Nabigo man si Pinoy figure skater Michael Martinez na makapasok sa top 24 ng Olympics ay wala aniya siyang planong sumuko sa kanyang sports.

Nagtapos lamang sa ika-28 pwesto si Martinez sa kanyang laban sa men’s single skating short program sa Pyeongchang nitong Pebrero 9.

Sinabi ni Martinez, magpapahinga lamang siya nang kaunti at hindi pa sigurado sa kung sasabak siya sa 2019 Southeast Asian Games.


Gayunman, nasa isip niya na ang darating na Sea Games.

Ayon pa kay Martinez, masaya siya at naging inspirasyon ng mga tao dahil sa kanyang dedikasyon sa kanyang sports.

Facebook Comments