Manila, Philippines – Hindi pa rin sususpendehin ng gobyerno ang opensiba ng militar laban sa New People’s Army sa panahon ng kapaskuhan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque – paninindigan ng pamahalaan ang nauna nang desisyon huwag magdeklara ng suspension of military operations o somo laban sa NPA.
Kasabay nito, naka-alerto na rin ang AFP at PNP sa posibleng pag-atake ng NPA bago ang 49th founding anniversary ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa December 26.
Magugunita na idineklara ni Pangulong Duterte na terrorist organization ang NPA.
Facebook Comments