HINDI SUSUSPENDEHIN | AFP AT PNP, NAKA-ALERTO KASUNOD NG PLANONG PAG-ATAKE NG NEW PEOPLE’S Army

Manila, Philippines – Hindi pa rin sususpendehin ng gobyerno ang opensiba ng militar laban sa New People’s Army sa panahon ng kapaskuhan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque – paninindigan ng pamahalaan ang nauna nang desisyon huwag magdeklara ng suspension of military operations o somo laban sa NPA.

Kasabay nito, naka-alerto na rin ang AFP at PNP sa posibleng pag-atake ng NPA bago ang 49th founding anniversary ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa December 26.


Magugunita na idinek­lara ni Pangulong Duterte na terrorist organization ang NPA.

Facebook Comments