HINDI TAKOT | Mga estudyante, hindi patitinag sa banta ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Matapos pagbantaan ni Pangulong Duterte na hindi isasama sa free college education ang mga estudyanteng sasali sa mga protesta at ibibigay sa deserving Lumad ang kanilang slot, nagbabala naman ang mga militanteng mambabatas na mas magiging madalas ang mga pagkilos ng mga mag-aaral.

Giit nila Kabataan Representative Sarah Elago at Anakpawis Representative Ariel Casilao, malinaw na ang pananakot ng Pangulo ay pagpigil sa karapatan ng mga mag-aaral na magpahayag ng kanilang saloobin.

Paliwanag ng mga mambabatas, walang mali at hindi naman krimen ang makiisa at magprotesta sa mga mali o pagkukulang ng gobyerno.


Mas mainam pa nga ito na aktibo ang mga kabataan sa mga nangyayari sa bansa kesa naman ang magkalat lamang ng fake news.

Nagtataka din ang mga mambabatas sa biglang atensyon ng Pangulo sa mga Lumad gayong nagbanta pa ito noon na bobombahin ang mga Lumad schools.

Sa kabila ng mga banta, ay hindi matatakot ang mga estudyante na ilaban ang kanilang mga karapatan.

Facebook Comments