HINDI TAPAT? | Pangulong Duterte, duda sa katapatan ng ilang sundalo

Manila, Philippines – Naghayag ng pagdududa sa katapatan ng militar si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagharap sa mga sundalo nang ito ay bumisita sa Camp Teodulfo Bautista sa Jolo Sulu.

Sinabi kasi ng Pangulo na nasasaktan siya dahil mayroong mga miymbro ng Militar ang nakikipag ugnayan sa mga kalaban at hindi niya maintindihan ang utak ng mga sundalo kung saan ang kanlang loyalty o katapatan.

Sinabi ng Pangulo, naghihinanakit siya sa mga sundalo, hindi na bale aniya kung sa kanya sila galit pero wag naman sana aniyang makipag ugnayan sa kalaban ng estado.


Binigyang diin ng Pangulo sa mga sundalo, kung toto ang mga ito sa bayan ay hindi dapat ito nakikipagugnayan sa mga kalaban at kung ayaw nila na siya ang kanilang Commander in chief ay wala siyang magagawa pero maghintay nalang aniya ang mga ito ng halalan tutal ay ilang taon nalang naman aniya ito.

Facebook Comments