HINDI TATAKBO | Special Assistant to the President Bong Go, nakahandang umagapay sa mga Pilipinong nangangailangan

Manila, Philippines – Iginiit ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na hindi siya tatakbo sa pagka-senador sa 2019 midterm elections.

Ito ay kahit inendorso na siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Go, wala siyang pera para pondohan ang kampaniya at mayroon pa siyang tungkulin na kailangang gampanan sa Pangulo.


Nagpasalamat rin si Go sa pangulo sa endorsement nito maging kay Moro Islamic Liberation Front (MILF) Vice Chairman Ghazali Jaafar na hinihimok rin siya para tumakbo sa pagkasenador.

Facebook Comments