HINDI TATALIKURAN | Pangulong Duterte, tutuparin pa rin ang pangakong tuldukan ang kontraktwalisasyon

Manila, Philippines – Binigyang diin ng palasyo ng Malacanang na hindi tinatalikuran ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pangako na tatapusin ang Contractualization sa bansa.

Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte na mahirap talagang tuldukan ang endo hanggang mayroong mga empleyadong tamad at hindi magandang relasyon ng employer at employee.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi umaatras ang Pangulo sa kanyang mga binitawang salita at tiyak na gagawin ng Pangulo ang lahat para tuparin ito.


Ngayon aniya ay tinitimbang ni Pangulong Duterte ang issue para maging balanse ang kanyang mga magiging aksyon para sa mga empleyado at employers.

Facebook Comments