HINDI TINANGGAP | Paglipat ni Mark Taguba sa Custodial Center sa Camp Crame, hindi natuloy

Manila, Philippines – Hindi natuloy ang paglilipat sa PNP Custodial center sa Camp Crame sa customs fixer na si Mark Taguba.

Ayon sa NBI, hindi tinanggap ng Custodial Center si Taguba dahil sa isang memorandum circular ng PNP.

Hindi pa malinaw sa ngayon kung ano ang nilalaman ng nasabing circular at kung anonang basehan ng Custodial Center sa pagtanggi sa kustodiya ni Taguba.


Dahil dito napilitan ang NBI na ibalik na lamang si Taguba sa kanilang detention facility sa Maynila.

Una nang ipinag-utos ng Manila Regional Trial Court RTC Branch 46 ang paglilipat kay Taguba sa PNP Custodial Center matapos nitong paboran ang apela ni Taguba na huwag siyang mailipat sa Manila City Jail dahil sa banta sa kanyang seguridad.

Si Taguba ang isa sa mga akusado sa P6.4-Billion shabu shipment mula sa China.

Facebook Comments