HINDI TINANGGAP | Suspek sa pagpatay, humingi ng tawad sa pamilya ng mag-inang biktima

General Trias, Cavite City – Humingi ng sorry sa padre de pamilya ang lalaking pumatay sa mag-ina sa Cavite.

Ayon sa suspek na si Ruel Cabatingan – nais niyang pagdusahan ang kanyang ginawa sa asawa at anak ni Marlon Gamos.

Sinabi rin ng suspek na may relasyon siya sa misis ni Marlon.


Hindi na nagsalita si Cabatingan kung bakit niya ginawa ang krimen pero sa kanyang sinumpaang salaysay, sinakal niya ang mag-iina hanggang sa mamatay.

Hindi naman tinanggap ni Marlon ang paghingi ng tawad ni Cabatingan.

Pero hindi hinayaan ng Philippine National Police (PNP) na magkita ang dalawa para sa kanilang seguridad.

Facebook Comments