HINDI TITIGILAN | Imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kay P/Supt. Ramy Tagnong, tuloy hangga’t walang napapanagot

Manila, Philippines – Hindi umano titigilan ng CALABARZON-PNP ang pag-i-imbestiga sa kaso ng pananambang at pagpatay sa legal officer nitong si P/Supt. Atty. Ramy tagnong.

Biyernes nang buuin ang ‘special investigation Task Group Tagnong’ na siyang tututok sa kaso.

Kabilang sa tinitingnan nilang motibo ang posibilidad na may kinalaman ito sa kanyang trabaho o personal na buhay bilang isang abogado.


Bukod dito, tumanggi muna si CALABARZON Police Regional Dir. Guillermo eleazar na magbigay ng iba pang detalye habang gumugulong ang imbestigasyon.

Facebook Comments