HINDI TOTOO | AFP, pinabubulaanang may mga hinanakit ang ilang sundalo sa Pangulo

Manila, Philippines – Walang hinanakit o karaingan ang ilang sundalo para iparating kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines Spokesperson Bienvenido Datuin matapos ang pahayag ni Magdalo Representative Gary Alejano na pinapaalalahanan nito ang Pangulo na huwag balewalain ang mga ipinararating na hinanakit ng ilang miyembro ng AFP.

Kasunod ito ng pagsibak sa pwesto kay Philippine Navy Chief Vice Admiral Ronald Mercado matapos akusahan ng insubordination dahil sa hindi na pagsunod sa utos may kinalaman sa Frigate Project.


Ayon kay Datuin, propesyunal na ngayon ang hanay ng AFP at hindi na mauulit pa ang nangyaring pag-aaklas ng ilang miyembro ng AFP noong taong 1987 at 1989.

Sinabi pa ng opisyal na natuto na kanilang hanay sa mga nangyaring pag-aaklas.
Sa ngayon aniya na mas itinutuon ng AFP ang kanilang atensyon sa AFP Modernization program.

Facebook Comments