Manila, Philippines – Duda si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa lumabas na pag-aaralan ng Global Peace Index na isa ang Pilipinas sa most least peaceful sa buong Southeast Asia.
Ayon kay Lorenzana, maaring mali ang parameter na ginamit sa pagsasagawa ng survey.
Aniya, kung pagbabatayan kasi ang pahayag ng napakaraming tao na nakalibot sa Pilipinas sinasabing payapa ang bansa.
Hindi rin aniya maaring pagbatayan ng survey ang giyera noon sa Marawi at ang maigting na kampaniya kontra droga ng gobyerno.
Giit naman ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na persepsyon lamang ang survey dahil mas napapabalita sa ibang bansa ang nangyayaring patayan o nakawan sa Pilipinas.
Posible rin aniyang epekto ito ng mga ibinibalita ng ibang sektor na nagaganap na human rights violations sa bansa.
Kasabay nito, hinamon ni Albayalde ang grupong nagsasagawa ng pag-aaral na tumungo sa Pilipinas at obserbahan ang peace and order sa bansa.