HINDI TOTOO | Ulat ng tabloid na “hataw” tungkol sa pagkwestiyon ng COA sa higit P600-million na ginamit sa hosting ng Pilipinas sa 2017 ASEAN Summit, malisyoso

Manila, Philippines – Mariing pinabulaanan ng Malacañang ang ulat ng tabloid na ‘Hataw’ hinggil sa halos 650 million pesos na hinahanap ng Commission on Audit (COA).

Batay sa report, kinuwestyon ng COA ang higit 600 milyong pisong transaksyon ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) kaugnay ng 2017 hosting ng Pilipinas sa Association Of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ayon kay PCOO Undersecretary Noel Puyat, malisyoso at hindi totoo ang balita na inilabas sa May 9, 2018 issue ng Hataw.


Nilinaw din ng COA na wala silang inisyu na nagsagawa sila ng audit.

Batay sa sulat na ipinadala ng COA sa PCOO, ang 2017 Annual Audit Report sa PCOO ay sumasailalim pa sa review.

Mag-iisyu ang COA ng final audit report at iginiit na wala silang alam sa umano’y imbestigasyon sa 647.11 million pesos fund.

Facebook Comments