World – Iginiit ngayon ni US President Donald Trump na “fake news” ang lumabas na balitang balak daw niyang tanggalin sa pwesto si Special Counsel Robert Mueller.
Ito ang pahayag ni Trump sa naging talumpati niya sa world economic forum sa Davos, Switzerland.
Iginiit din niya na hindi din totoo na iniutos niyang tanggalin si Mueller pero nagdalawang isip daw siya dahil magre-resign din si Whitehouse lawyer Don Mcgahn kapag itnuloy niya ang desisyon.
Matatandaan na si Mueller ay siyang nangungunang sa imbestigasyon sa pangingialam ng Russia sa halalan ng US na naunang itinanggi ng bansa.
Facebook Comments