HINDI TUGMA | Malacañang, kinuwestyon ang US State Department Report ukol sa human rights concern sa Pilipinas

Manila, Philippines – Kwinestyon ng Malacañang ang report ng US State Department na nagpahayag ng pagkabahala sa Extra Judicial Killing (EJK) sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi tugma ang report na ito sa mga dating pahayag ni US President Donald Trump.

Batay sa report ng US State Department pinakamabigat pa ring isyu sa human rights sa Pilipinas ang EJK at kawalan ng pagpaparusa sa mga pulis.


Aniya, dati namang pinupuri ni Trump ang kampaniya kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments