HINDI TULOY? | Kasunduan ng Pilipinas sa Amerika, pinababawi

Manila, Philippines – Pinababawi ng ilang kongresista ang mga kasunduan sa Amerika at ipaglaban ang independent foreign policy ng gobyerno.

Ito ay kaugnay sa pagsisimula ng 34th Balikatan exercises sa Zambales at Tarlac at ang paglalagay ng missile system ng China sa tatlong reef sa Spratlys.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, dapat na bawiin ang mga kasunduan sa Estados Unidos dahil posibleng magamit na entablado ang Pilipinas sa nagbabanggaan na bato at pader na dalawang malalaking bansa na China at Amerika.


Dahil aniya sa Visiting Forces Agreement (VFA) at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), maituturing ngayon na US military base ang Pilipinas na pwedeng maging target ng China.

Malaking pagkakamali aniya ang posisyon ng Malacañang na balewalain ang missile system ng China dahil sa hindi naman ito nakatutok sa bansa.

Dagdag pa nito, ang mamamayan ang maaapektuhan pag nangyari ang gyera ng Amerika at China sa Pilipinas.

Facebook Comments