HINDI TULOY | Pagdinig sa kaso ni Kerwin Espinosa, pinagpaliban dahil sa Bagyong Ompong

19

Manila, Philippines – Itatakda sa ibang araw ang pagdinig ng kaso ng itinuturing na big time drug lord na si Kerwin Espinosa matapos makansela dahil sa masamang lagay ng panahon.

Ayon sa Makati RTC Branch 65, declared half-day ang pasok sa lahat ng regional trial courts sa Makati alinsunod sa utos ng executive judge.

Sinabi naman ng kampo ni Espinosa, hindi sila naabisuhan bago pumunta sa korte

Pero umalis din agad nang malamang kanselado ang pagdinig.

Noong August 28, naghain si Espinosa ng not guilty plea matapos basahan ng sakdal para sa kasong conspiracy to commit illegal drug trade at possession of illegal drugs.

Sa pagdinig ngayon sana sisimulan ang pre-trial at presentation ng initial witnesses ng prosekusyon.

Facebook Comments