Amerika – Kinansela na ni U.S. President Donald Trump ang nakatakda nitong pagpupulong kay North Korean Leader Kim Jong-un.
Nabatid na gaganapin sana ang U.S.-North Korean Summit sa Singapore sa June 12.
Sinabi ni Trump, handa ang kanilang militar sa anumang magiging reckless acts ng North Korea.
Naniniwala si Trump na hindi ito ang tamang panahon para ituloy ang summit lalo at nagpapakita ang Pyongyang ng ‘open hostility’ sa kanilang mga naunang pahayag.
Facebook Comments