HINDI TULOY? | U.S President Donald Trump, naniniwalang may tyansang hindi matuloy ang pagkikita nila ni North Korean Leader Kim Jong-un

Amerika – Naniniwala si U.S President Donald Trump na mayroong posibilidad na hindi matuloy ang nakatakdang pagkikita nila ni North Korean Leader Kim Jong Un sa June 12.

Pero nilinaw rin ni Trump na maari pa ring magkakaroon sila ng meeting ni Kim.

Ayon kay Trump, magiging ‘great country’ ang North Korea kung susunggaban lang nito ang mga oportunidad.


Nabatid na nagpulong sina Trump at South Korean President Moon Jae-in hinggil sa mga banta ng Pyongyang na hindi sisiputin ang nakatakdang U.S – North Korea Summit.

Facebook Comments