HINDI TUTUTOL | Dating Senador Juan Ponce Enrile, hindi tututulan ang hiling ni Cagayan Governor Manuel Mamba na kanselahin ang kaniyang piyansa sa plunder case

Manila, Philippines – Walang balak si dating Senador Juan Ponce Enrile na magharap ng oposisyon sa naging liham ng Governor ng Cagayan na humihiling sa Office of the Ombudsman na kanselahin ang kaniyang piyansa sa kinakaharap niyang P172.8-M plunder case.

Sa isang pulong balitaan sa QC, sinabi ni Enrile na ipauubaya niya sa mga korte kung pababalikin siya sa kulungan.

Batay sa report, sinulatan mismo ni Cagayan Governor Manuel Mamba si Ombudsman Samuel Martires para sabihin na nalinlang lamang ni Enrile ang Korte Suprema kaya ipinagkaloob nito kaniyang pansamantalang kalayaan.


Aniya, hindi siya magtataka kung sumulat si Mamba dahil matindi umano ang galit nito sa kaniya na nag ugat sa mainit na pulitika sa Cagayan.

Facebook Comments