HINDI UMABOT? | Eroplanong bumagsak sa Plaridel, Bulacan, sasailalim sana sa maintenance check

Manila, Philippines – Nilinaw ng Civil Aviation Authority of the
Philippines (CAAP) na nakatakdang sumailalim sa maintenance check sa
Batanes ang bumagsak na piper lance aircraft sa barangay lumang Bayan,
Plaridel, Bulacan na ikinasawi ng sampung tao.

Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio – pagkatapos sana ng ferry flight
nito sa Laoag, lilipad ito patungong Itbayat, Batanes para sa maintenance
check.

Pero aminado ang CAAP na inaprubahan nila ang flight dahil ‘good-to-go’ ito
subalit hindi naman nila itong papayagan kung may nakita silang problema.


Dalawang grupo na mula sa CAAP ang inatasang mag-imbestiga sa insidente,
ang CAAP-Accident Investigation and Inquiry Board (AIIB) at ang CAAP-Flight
Safety Inspectorate Service (FSIS).

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments