Manila, Philippines – Inamin ngayon ng Palasyo ng Malacañang na isinantabi muna ng Administrasyong Duterte ang planong pagpapalit ng porma ng pamahalaan patungo sa Federalismo.
Ito ang sinabi ng Malacañang bilang reaksyon sa Resulta ng Survey ng Pulse Asia kung saan makikitang hindi kabilang sa itinuturing na National Concerns ng taumbayan ang pagpapalit ng porma ng Pamahalaan.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, mas tinututukan ngayon ng Pamahalaan ang issue ng inflation o ang pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin sa bansa.
Kinikilala kasi aniya ng administrasyon na kailangang harapin ang mga problemang malapit sa sikmura ng taumbayan.
Paliwanag pa ni Roque, naka sideline ngayon ang Cha-Cha pero hindi naman ito tuluyang aabandonahin ng administrasyon dahil magpapatuloy parin naman ang pagsusulong nito.
Dag-dag pa ni Roque, kailangan pa ng mas mahabang panahon para sa information dissemination patungkol sa Pederalismo.