HINDI UUNAHIN | Charter Change, hindi prayoridad ng Kongreso – Sen. Tito Sotto

Manila, Philippines – Hindi magiging prayoridad ng kongreso ang Charter change.

Ito ay kahit natapos na ng Consultative Committee na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte na siyang nag-review at bumuo ng draft na papalit sa 1987 Constitution.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III – hindi pa natatanggap ng mga mambabatas ang kopya ng draft ng Federal Constitution. kaya, magiging ‘Premature’ kung tatalakayin ito.


Aniya, kapag dumating na sa kongreso ang kopya ay mag-aaralan nila itong mabuti.

Kinakailangang magpasa ng resolusyon ang Senado at kamara na mag-convene sa isang constituent assembly para pagdebatehan ang proposed amendments sa saligang batas.

Facebook Comments