HINDI UUSAD| Pagsasampa ng grupong Karapatan hinggil sa umano’y EJK cases sa Pilipinas, political mileage?

Manila, Philippines – Naniniwala ang palasyo ng Malacañang na political mileage lang ang habol ng grupong karapatan matapos itong magsampa ng kaso ng extrajudicial killings sa United Nations laban sa pamahalaan.

Ayon kay presidential Spokesman Secretary Harry Roque, mismong ang grupong Karapatan ay alam na hindi uusad ang kaso at ang tanging intensyon ng mga ito sa pagsasampa ng kaso ay ang hiyain sa international community ang administrasyon.

Binigyang diin ni Roque na malakas ang justice system sa bansa kaya ito ang tamang venue para maghain ng kaukulang reklamo imbes na lumapit sa human rights rapporteur ng UN na matagal nang mayroong pagkontra sa war on illegal drugs ng Administrasyon.


Dagdag pa ni Roque na ang hurisdiksiyon ng sinasabing EJK cases ay nasa estado at hindi sa poder ng international bodies gaya ng UN.

Paalala pa ng Palasyo, mayroong inter-agency committee on extra legal killings na nilikha sa pamamagitan ng Admin Order 35 na pinangungunahan ng Kalihim ng Dept. of Justice.

Facebook Comments