HINDI UUWI | Trillanes – nagdesisyon manatili pa rin sa Senado

Manila, Philippines – Nagdesisyong manatili pa rin sa kanyang tanggapan sa Senado si Senador Antonio Trillanes IV.

Sa kabila ito ng pagkilala ng Supreme Court sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na susunod ito sa rule of law at hindi siya aarestuhin hangga’t walang warrant of arrest.

Ayon kay Trillanes – pinayuhan siya ng kanyang mga kapwa Senador na manatili na lang muna sa Senado.


May pahayag kasi aniya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na aarestuhin pa rin siya dahil hindi naman napagbigyan ng SC ang hiling niyang magpalabas ng temporary restraining order laban sa proclamation 572 ni Pangulong Duterte.

Mas lalo rin daw nagduda ang Senador matapos sabihin ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala nang balakid para arestuhin siya dahil ibinasura na ng SC ang kanyang petisyon.

Facebook Comments