Manila, Philippines – Hindi yuyuko ang pamahalaan sa anumang kagustuhan ng teroristang grupong New Peoples’ Army.
Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap na rin ng babala ni Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison na palalakasin pa ng NPA ang pag-atake sa pwersa ng gobyerno at papatay ng isang sundalo kada araw hanggang hindi bumabalik ang pamahalaan sa pakikipag-usap sa kanila para sa kapayapaan.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi na bago ang pag-atake ng teroristang NPA sa pwersa ng pamahalaan kaya ipagpapatuloy ng ng militar ang kanilang pagdepensa sa kapayapaan at paghahabol sa mga NPA.
Binigyang diin din ni Roque na hindi luluhod o hindi bibigay ang administrasyon sa kagustuhan ng NPA.
Paliwanag ni Roque, hindi naman ang NPA ang masusunod at hindi naman sila ang nagmamayari ng Pilipinas kaya wala sila sa lugar para mag-utos sa gobyerno.