HINDU GOD | Isang lalaki sa India, ginawang sariling diyos si US President Donald Trump

India – Usap-usapan ngayon ang isang lalaki sa India matapos nitong gawing sariling diyos si US President Donald Trump.

Sinasabing tatlong taon nang sinasamba ng 31-anyos na magsasakang si Bussa Krishna ang picture ni Trump kung saan kahit kailan ay hindi daw siya isa sa mga supporters nito.

Nabatid na nagdarasal si Bussa ng limang beses sa isang araw sa picture ni Trump at inaalayan pa niya ito ng bulaklak, pagkain at kung anu-ano pa.


Palagi din niyang bitbit ang picture ni Trump kahit saan siya magpunta kaya at agaw pansin siya palagi maging sa international media.

Sinabi ni Bussa na isang Hindu God ang pumasok sa katauhan ni Trump at plano niya daw itong gawan ng isang templo sa mga susunod na araw.

Facebook Comments