HINIGPITAN | 7 kondisyon sa muling pagbabalik ng peace talks sa CPP-NPA-NDFp, inilatag ni Pangulong Duterte – DND

Manila, Philippines – Nagbigay ng pitong kondisyon ang Pangulong Rodrigo Duterte para sa muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front of the Philippines o CPP-NPA-NDFP.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos na makausap ang Pangulo sa isinagawang cabinet meeting sa Malacanang.

Aniya ang pitong kondisyong ito ay una magkaroon ng bilateral ceasefire , walang mabubuong panibagong grupo o alyansa, walang pag-atake sa tropa ng pamahalaan at sibilyan, walang pangongotong, walang paninira ng mga ari-arian o government facilities, walang recruitment at walang magpapatrolya miyembro ng NPA na may bitbit na baril.


Sinabi pa ni Lorenzana na suportado nya ang huling pagkakataong ito na ibinigay ng pangulo sa makakaliwang grupo at umaasang susunod sa kondisyon ang grupo.

Facebook Comments