HINIHILING | Mga miyembro ng isang NGO, nagrally sa Senado para sa pagpapataas sa buwis sa sigarilyo

Manila, Philippines – Bitbit ang mga mascot na sigarilyo ay nagsagawa ng rally sa harap ng gate ng Senado kanina ang mahigit 100 miyembro ng grupong action for economic reforms bilang hiling sa mga senador na madaliin ang pagpasa sa panukalang magtataas sa buwis sa tobacco products.

Ang panukala ay inihain nina Senators Manny Pacquiao at JV Ejercito at hawak ito ngayon ng committee on ways and means na pinamumunuan naman ni Senator Sonny Angara.

Ang nabanggit na grupo, na kasama sa bumubo ng sin tax coalition, ay nagbigay diin na mahalagang maipasa ang panukala para mas maraming pang maisalba sa bisyo ng paninigarilyo na lubhang masama sa kalusugan.


Dinaan ng grupo ang kanilang request sa pamamagitan ng pagsayaw kung saan nakiisa si Senator Ejercito na siyang chairman ng committee on health.

Sabi ni Ejercito, kailangan talagang itaas ang buwis sa tobacco products upang makatulong sa pagpondo sa Universal Health Care Bill na nakatakda nilang isalang sa bicameral conference ngayong Nobyembre at maaring maisabatas na hanggang Disyembre.

Facebook Comments