Hinihinalang Chinese underwater drone na natagpuan sa Masbate, may implikasyon sa pambansang seguridad

May implikasyon sa seguridad ng bansa ang hinihinalang Chinese underwater drone na natagpuan sa Masbate.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni National Security Council Spokesperson Asst. Director General Jonathan Malaya na ginagamit sa pagkalap ng impormasyon ang drone.

Lumabas din sa inisyal na imbestigasyon na ito ay isang unmanned drone.


Kaugnay nito, iniimbestigahan at inaalam na ang pinagmulan ng drone gayong wala pang bansa ang umaangkin dito, at gayundin ang posibleng iba pa nitong motibo.

Sinusuri na rin ang drone kabilang ang mga nakasulat dito at iba pang ispesipikong bahagi.

Nakikipag-ugnayan na rin ang mga awtoridad sa foreign counterparts upang makakalap pa ng karagdagang impormasyon.

Ayon kay Malaya, nakababahala ito kaya’t dapat alamin kung saan ito nanggaling at kung ano ang ginagawa nito sa archipelagic waters ng Pilipinas.

Facebook Comments