Matagumpay na naaresto ng Pangasinan Police Provincial Office ang isang hinihinalang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng Dasol Police Station.
Ayon kay PCOL Arbel C. Mercullo, Officer-In-Charge ng PANGPPO, nagresulta ang operasyon sa pagkakadakip ng suspek, 43-anyos na part-time na construction worker at magsasaka.
Nasamsam mula sa suspek ang apat na heat-sealed transparent sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang tumitimbang ng humigit-kumulang 3 gramo at may tinatayang halagang nasa 20,400 pesos at iba pang ebidensya.
Dinala na sa Dasol Police Station ang suspek at lahat ng nakumpiskang ebidensya para sa tamang disposisyon at paghahain ng kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









