Hinihinalang drug pusher patay sa buy-bust operation sa Rizal; mahigit 6 na milyong pisong halaga ng shabu nasamsam

47
The dead woman's body. Focus on hand

Patay ang isang hinihinalang tulak ng iligal na droga, habang nakatakas ang isa pang hindi nakilalang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Taytay, Rizal.


Naisugod pa sa Taytay Emergency Hospital ang suspek na si Ahmad Iqbal Mama ngunit idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan.

Nakatakas naman ang isang suspek patungong direksyon ng Tikling.

Kabilang sa mga na-rekober sa mga salarin ay isang bag na naglalaman ng isang refined Chinese tea na may hinihinalang shabu na tumitimbang ng isang kilo at may street value na Php 6.8 million; 2,669 na piraso ng pekeng isang libong piso, boodle money at buy-bust money na nagkakahalaga ng ₱700,000.00.

Nagsasagawa na nang dragnet operation ang Taytay Municipal Police Station para sa ikadarakip nang nakatakas na salarin.

Facebook Comments