Manila, Philippines – Nakubkob na ng militar ang isang hinihinalang kampo ng New People’s Army sa bayan ng Del Gallego, Camarines Sur.
Ayon kay captain Randy Llunar, public affairs officer ng 9th Infantry Division ng Philippine Army – nakaengkwentro ng mga sundalo ng 92nd division reconnaissance company ang mga komunistang rebelde sa barangay Bagong Silang.
Walang namatay sa panig ng mga tropa ng pamahalaan samantalang pinaniniwalaang marami ang tinamaan sa panig ng mga rebelde dahil sa bakas ng mga dugo sa lugar.
Sinabi ni Llunar na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa mga sibilyan ukol sa naturang kampo ng NPA.
Natukoy at sinubaybayan ng mga sundalo ang kampo at nagsagawa ng operasyon laban sa mga rebelde.
Ang naturang kuta ng mga rebelde ay may mga tents na kayang i-accommodate ang 50 katao.
Narekober din sa kuta ang isang m16a1 rifle, isang rifle grenade, dalawang improvised explosive devices, isang IED detonator, 200 metrong wire at iba pang personal na mga kagamitan.
Nation