Pinabulaanan ni Manila City Health Officer Dr. Arnold Pangan na Walang kumpirmadong kaso ng Novel Coronavirus sa Metropolitan Hospital sa Maynila.
Ang paglilinaw ay ginawa ng pamunuan ng ospital matapos kumalat sa social sinasabing kaso ng novel coronavirus sa Metropolitan Hospital .
Sinabi ni Dr. Pangan na ang 27-anyos na lalaking Chinese na isinugod sa naturang pagamutan ay empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).
Naospital anya ang naturang Chinese noong January 25, dahil sa lagnat at ubo pero wala naman itong history ng pagbiyahe sa Wuhan, China at wala ring history na nalantad ito sa isang pasyenteng may NCoV.
Nabatid na Naninirahan ang naturang POGO worker sa boundary ng Pasay at Paranaque.
Siya ay dumating sa bansa ang nasabing pasyente noong January 8, 2020 mula sa Obei ,China.
Nilinaw din ni Pangan na isang community acquired pneumonia ang kaso ng naturang pasyente at sa pinakahuling pagsusuri, mabuti na ang kundisyon nito at wala na ring lagnat.
Samantala, dahil na rin sa mga pekeng balita sa Social media, napilitan ang ilang mga eskwelahan na magsuspinde ng klase ngayong araw.
kabilang dito ang Philippine Academy of Sakya
-Saint Stephen’s High School
-Saint Jude Catholic School
-Chiang Kai Shek College – Padre Algue and Narra branches at
-Uno High School