Hinihinalang Lider Ng Al Khalifa Ph, Patay Sa Engkuwentro Sa Sarangani Province

11

SARANGANI PROVINCE – Napatay ang bomb expert at local ISIS inspired leader na si Mohammad Jaafar Maguid alyas “Tokboy” sa Kiamba, Sarangani province.Ayon kay PNP region 12 director Chief Supt. Cedrick Train, nangyari ito kasabay ng pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa lider ng grupo ni Maguid na Ansar Al-Khilafah Philippines na sangkot sa mga pambobomba sa probinsya.Naharang ang grupo sa checkpoint sa Angel beach resort, barangay Kitagas, habang sakay ng Toyota Wigo.Narekober mula kay Tokboy Maguid ang dalawang baby armalite, at granada.Naaresto rin sa isinagawang operasyon ang tatlo pang kasamahan ni Maguid na sina Matahata Dialawe Arboleda, Ismael Sahak Alyas Mael, at Morhaban Veloso alyas Bugoy.Kasunod nito, sa press briefing ng Malacañang sinabi ni DILG Sec. Mike Sueno na triple ang ginagawa nila ngayong seguridad dahil sa posibleng pagganti ng grupo.Sinasabing si Maguid ay may koneksyon sa Maute group, sympathizer ng Abu Sayyaf at may affiliation sa ISIS.

Facebook Comments