Hinihinalang miyembro ng Maute member, arestado sa evacuation sa Lanao del Sur

Manila, Philippines – Isang 38 anyos na hinihinalang Maute member ang naaresto sa evacuation sa Saguiaran, Lanao del Sur.

Sa ulat ni ARMM Police Regional Office Chief; Police Chief Supt. Reuben Theodore Sindac.

Kinilala ang suspek na si Lala Arafat na inaresto makaraang positibong ituro ng isa pang maute member na unang naaresto ng mga otoridad.


Si Arafat ay residente ng brgy. Osmena, Marawi City kung saan nasamsam sa kanya ang 12 Identification Card na may ibat pangalan at isang cellphone.

Sa ngayok nakasuhan at nakakulong na ang suspek may kaugnayan sa kasong rebelyon at conspiracy.

Facebook Comments