Negros Occidental – Arestado ang isang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos maka-engkuwentro ng militar sa Barangay Salong, Kabankalan City, Negros Occidental.
Ayon sa 303rd Infantry Brigade ng Philippine Army, nagsasagawa ng combat operation ang 15th Infantry Battalion sa nasabing lugar nang makasagupa nila ang siyam na armadong katao.
Tumagal ng limang minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng dalawang grupo.
Matapos nito, isang hot pursuit operation ang ikinasa ng militar matapos makatakas ang mga rebelde.
Dito na nadakip ang 21-anyos na si alyas “July” kung saan nakuha sa kaniya ang isang 9mm pistol, improvised shotgun, hand grenade, extortion letter at iba pang kagamitan.
Facebook Comments