HINIHINALANG PAMPASABOG, NATAGPUAN SA ILALIM NG ISANG TRICYCLE SA STA. BARBARA

Isinangguni ng isang lalaki sa awtoridad ang kahina-hinalang aparato na natagpuan sa ilalim ng kanyang traysikel sa Brgy. Tuliao, Sta. Barbara, Pangasinan.
Ayon sa may-ari, palaisipan kung paano napunta ang naturang device sa kanyang sasakyan, ngunit inamin niyang may nanghiram dito ilang araw bago ito madiskubre.
Sa panayam ng ifm news dagupan kay Sta. Barbara ps admin officer Capt. Alcaide Vinluan Jr., natuklasang isang GPS tracking device na nakakabit sa battery ng motor ang nasabing kagamitan.
Sa pakikipag-ugnayan sa western pangasinan 3rd District EOD/K9 office, agad itong kinuha para sa tamang disposisyon.
Nilinaw ni vinluan na walang dapat ipangamba ang publiko dahil nasawata na ng mga awtoridad ang naturang aparato.
Hinikayat din ng pulisya ang publiko na agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang kagamitan upang ito ay agad marespondehan at maiwasan ang posibleng aksidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments