Hinihinalang tulak ng iligal na droga, patay matapos manlaban sa otoridad

Caloocan – Patay ang isang hinihinalang tulak ng iligal na droga matapos manlaban sa mga pulis sa Caloocan kaninang madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Winer Gatdula, 40 anyos, residente ng Barangay 33 sa nasabing lugar.

Sa initial na imbestigasyon, alas-dose pasado ng madaling araw nagsagawa ng operasyon ang Caloocan pulis matapos makatanggap ng tawag mula sa concern citizen na tuloy parin sa pagbebenta ng shabu si Gatdula.


Pagresponde ng mga owtoridad, nakatunog siya na pulis ang kanyang katransaksyon kaya’t nagpaputok ng baril.

Sa pagganti ng pulis, bulagta si Gatdula at tuluyang namatay matapos tamaan ng 2 beses sa katawan.

Bukod sa mga basyo ng bala, narecover din ang 9 na pakete na suspected shabu at isang kalibre 45 na baril.

Facebook Comments