HINIHINGING MASTERLIST NG JOB ORDER EMPLOYEES, HINDI UMANO REQUIREMENT SA PAGPASA NG BUDGET SA DAGUPAN CITY

Hindi umano requirement sa pagpasa ng annual budget ang hinihinging masterlist ng job order employees ng Committee on Finance, Budget And Appropriations matapos ang usaping pagkakapasa ng budget na hindi umano sapat na pondo para sa Dagupan City.
Paglilinaw ni Councilor Mejia na tanging figures lamang o numero ang ibinigay at hindi ang kinakailangang mga pangalan. Kaya’t saad nito ang papanong mapapasahod ang mga walang pangalan. Dagdag pa niya ang pag-iwas sa mga iregularidad tulad na lamang ng mga ghost employees, at mga technical consultants na hindi naman kailangan.
Giit naman ni Mayor Fernandez na ang hindi pagbibigay umano ng listahan ng mga pangalan ng Job Order ay kanyang paraan upang maprotektahan ang mga ito at hindi naman daw ito isang requirement sa ilalim ng Local Budget Memorandum ng Department of Budget & Management (DBM) para sa pagpasa ng annual budget.

Sa kasalukuyan, magpapatuloy pa rin ang usapin ng naipasang annual budget sa magaganap na regular session kahapon araw ng Martes, April 4, sa tanggapan ng Sangguniang Panlungsod. |ifmnews
Facebook Comments