HINIHINTAY NA | Pangalawang SONA ni PRRD, inaabangan na ng sektor ng mga manggagawa

Manila, Philippines – Napakahalaga para sa mga manggagawa ang ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Duterte sa harap ng tumataas na presyo ng mga bilihin at mga serbisyo, kawalan ng trabaho, patuloy na dumadaming Endo at lumalawak na kawalan ng mga trabaho.

Ayong kay Associated Labor Unions-TUCP spokesperson Alan Tanjusay, inaabangan ng mga milyon milyong mga manggagawa kung ano ang tugon ng Pangulong Duterte sa lumalalang sitwasyon ng mga mahihirap dito sa bansa.

Sinabi ni Tanjusay na kailangan may mailatag si Duterte sa na strategy solutions para maibsan ang lumalalang problema sa inflation,pagbagsak ng halaga ng sahod pagtaas ng presyo ng mga basic commodities and services


Inaantabayanan din nila ang masasabi nito sa pagtalikod niya sa naunang pangako na bawasan ang mga Endo.

Facebook Comments