Manila, Philippines – Nilinaw ni BJMP Spokesperson Senior Inspector Xavier Solda na wala pang Commitment Order na nakarating sa kanila tanggapan kaugnay sa paglilipat ng dating BOC Custom Commissioner Nicardor Faeldon kaugnay sa kinakaharap nitong kasong may kinalaman sa 6.4 billion pesos shabu shipment na nakalusot sa BOC.
Ayon kay Solda aminado siya na mayroong problema sa sanitasyon at Pasay City Jail bukod siksikan ang mga preso sa naturang bilangguan.
Paliwanag ni Solda nakahanda naman umano ang BJMP sakaling makarating sa kanila ang Commitment Order mula sa Senado.
Una nang inihayag ng Senate Sgt. at Arms na inaantay pa rin nila ang Commitment Order mula sa Senate Blue Ribbon Committee at handa umano silang tumalima saan man dadalhing bilangguan si Faeldon.
Matatandaan na nagkaroon ng mainitang pagtatalo kahapon sapagitan nina Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon at ni dating BOC Commissioner Nicanor Faeldon kayat napagkasunduan ng mga Senador na ililipat nalamang si Faeldon sa ibang bilangguan.