Manila, Philippines – Kinondena rin ng mga senador ang nangyaring pamamaslang kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.
Ayon kay Senator Win Gatchalian – isa si Batocabe sa pinakamasipag na mambabatas na nakilala niya kaya itinuturing niya itong kawalan sa pamahalaan.
Gaya ng mga kongresista, umapela rin ang mga Senador sa mga otoridad na mabilis na aksyunan ang insidente.
Habang hinikayat din ni Senador Nancy Binay ang Commission on Elections (COMELEC) na ideklara ang albay bilang election hotspot para matiyak ang seguridad ng mga Albayanon.
Matatandaang si Batocabe ay kasalukuyang kandidato bilang Mayor ng daraga.
Bukod sa kanya, dalawang miyembro rin ng media ang pinaslang sa albay na uman ay may kaugnayan sa pulitika.
Kung hindi aniya seryosong haharapin ng mga otoridad ang kasong ito, kahit anong gawing pagkondena ay hindi nito mabibigyan ng hustisya ang mga biktima at naulila nilang pamilya.