Manila, Philippines – Hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth (CBCP-ECY) ang mga kabataang Pilipino na magparehistro para sa 2019 midterm elections.
Ayon kay CBCP-ECY Executive Secretary, Rev. Father Conegundo Garganta – mahalagang makilahok ang mga kabataas sa darating na eleksyon dahil karapatan ito ng bawat mamamayan sa isang demokratikong bansa.
Una nang inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na maaring magparehistro ang mga bagong botante hanggang September 29, 2018 sa mga local poll offices.
Bukas (open) ang mga COMELEC offices mula Lunes hanggang Sabado, kabilang ang holidays – alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Facebook Comments