HINIKAYAT | CHED, hinimok ang lahat ng higher education institutions na patuloy na ituro ang Filipino at panitikan subjects

Manila, Philippines – Hinimok ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga higher education institutions na panatilihin ang kanilang Filipino departments at patuloy na ituro ang Filipino at panitikan courses.

Ayon kay CHED OIC Prospero De Vera, naglabas na sila ng memorandum order kung saan minamandatong isama sa lahat ng higher education programs bilang bahagi ng bagong general education curriculum ang pagtuturo ng Filipino at patinikan subjects.

Sa mga estudyanteng major field ang humanities, social sciences at communication, dapat mayroong minimum requirements na anim na units para sa Filipino at literature.


Facebook Comments