Manila, Philippines – Hinikayat ng mga kongresista mula sa Magnificent 7 si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na ikunsidera ang pagtakbo sa Senado.
Ayon kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat, mas kailangan ngayon ni Sereno ng mas malawak na platform para ilaban ang independent judiciary.
Hinimok pa ni Baguilat ang kanilang partido na isama sa senatorial slate si Sereno sa 2019.
Para naman kay Caloocan Rep. Edgar Erice, dapat na gumawa ng paraan ang oposisyon na maibigay ang check and balance sa gobyerno at isa sa nakikita nila dito ay ang pagpapatakbo kay Sereno sa Senado.
Aniya, kailangan ng Senado ang tulad ni Sereno dahil malaking pakinabang para sa bansa ang adbokasiya, kaalaman, at commitment nito na pairalin ang rule of law sa bansa.
Facebook Comments