Hinikayat ngayon ni Senador Joel Villanueva ang Department of Foreign Affairs (DFA) na tutukan ang ang kaso ng OFW na tinaguriang bayani matapos na ibuwis ang kanyang buhay para sagipin ang dalawang babaeng hinaharass sa downtown ng Bratislava Slovakia.
Ayon kay Villanueva dapat agaran ng bigyan ng aksyon ng pamahalaan ang pagkamatay ni Henry John Serafica Acorda, na tinaguriang hero dahil nagbuwis ng kanyang buhay upang mailigtas ang dalawang OFW na Pinay na inaabuso ng suspek na si Juraj Hossu sa naturang lugar.
Paliwanag ng Senador dapat imbestigahan ng DFA at makipag ugnayan sa Slovakian upang humingi ng hustisya sa kamatayan ni Acorda.
Umapila rin si Villanueva at humingi rinnng tulong sa POEA, OWWA, at ng Philippine Consulate sa Bratislava para mabigyan ng kakailanganing assistance para sa pamilya upang maibalik sa Pilipinas ang labi ni Acorda.
Umaasa ang senador na hindi mababaon sa limot ang kamatayan ni Acorda na nagbuwis ng kanyang buhay mailigtas lamang ang kababayang Pinay OFW na hina-harass ng isang Slovakian.